Makasaysayang
araw sa iyo!
"Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y
Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani
at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling
na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng
Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Pinanganak
si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y
Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at
nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad
Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya
sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.Isang polimata si
Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit.
Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga
gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa
ring poliglota si
Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika."
Ngayon, nakikilala mo pa ba c Jose Rizal na siyang dahilan
kung bakit naririto ka/tayo na nananatili sa ating bansa at tila malaya sa mga
mananakop ng ating bansa noon? Narito, ang ibang lugar na pinuntahan ni Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Magbalik tanaw tayo sa mga lugar na kanyang pinanggalingan at tila naging makasaysayang
pook.
- Tahanan ni Higino Francisco (Binondo).
Sa larawang ito ay ating makikita ang isang matayog at
napaka gandang tahanan/tirahan noong unang panahon.
Hindi naging madali samin ang paghahanap ng lugar na ito sa
binondo, manila sapagkat ito ang una naming pagkakataon na makapunta dito,
nagbago na ang pangalan ng lugar, wala na ang dating istraktura ng gusali at
tila ito’y tinayuan na ng ibang bahay, at muntikan pa kaming mahuli ng MMDA
dahil daw hindi daw kami sumunod sa batas trapiko ngunit ito ay nadaan naman sa
mabuting usapan at patuloy na naming hinanap ang lugar na ito sa binondo.
Nakakalungkot isipin na wala na ang dating tirahan na naging isang makasaysayang pook
Ngunit hindi na naging kaaya aya sa aking paningin ang aming inabutan sa lugar na iyon. Giniba na ang dating tahanan at naiwan na lamang ang poste na may kasamang ekis na nagsisimbolo o palatandaan na doon nakatayo ang dating tahanan ni Higino Francisco. At ito ay tatayuan na ng gusali at pag mamay ari pa ng isang intsek.
- Paco Cemetery
Bago man barilin c Jose Rizal ay naghabilin siyang ilibing sa
North Cemetery ngunit agad itong kinuha at inilibing sa Paco Cemetery upang
hindi pag kaguluhan ng mga tao.
At ayon sa aking nabasa “Noong hapon daw na iyon, binayaran
ni Narcisa ang mga bantay at ipinalagay ang panandang marmol ng kanyang
nakabaligtad na initials—RPJ, upang hindi nakawin ang bangkay o hindi ilipat ng
mga Espanyol.”
Libingan ni Rizal sa Paco Cemetery, 1902
noong Agosto 1898, ay hinukay ng muli ang
bangkay ni Rizal at nasaksihan nilang hindi nailibing ng maayos ito. Inilibing
siya ng walang kabaong. Kaya naman agad dinala ni Narcisa ang mga labi ni Rizal
sa Binondo at hinugasan at inilagay sa urno
garing o ivory.
Disyembre 29, 1912 ipinrusisyon ang urno
ni Rizal patungo sa Ayuntamiento sa Intramuros at kinaumagahan ay naglakbay
sa huling pagkakataon ang labi ni Rizal at inilibing sa (paanan) pambansang
monumento.
Dito din nakalibing ang mga namatay dahil sa sakit na kolera.
Masiadong matirik ang araw ng panahon na kami ay nagtungo sa Paco Cemetery ngunit hindi ito naging sagabal sa aming paghahanap dahil kami ay may dala dalang payong at sa aming paghahanap ng Paco Cemetery ito ay naging madali na sa amin dahil meron kaming kakilala na nagturo sa amin ng daan at bukod doon kilala itong lugar na naging isang makasaysayang pook ito magpahanggang ngayon.
- Ateneo De Manila
Dito ay nakakuha si rizal ng pinaka mataas na parangal at nagtungo
siya sa Unibersidad ng Sto. Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pagaaral.
Sa aming paghahanap sa lugar na ito kami ay naligaw. Kung
saan saan kami sumuot, pagod, gutom, init, halo halo na ang aming nararamdaman sa aming paghahanap. At ng makita naming ang lugar na ito lubos
ang aming ligaya dahil napaka hirap talagang hanapin ito dahil ibang iba na ang
itsura ng lugar na ito.
Sa aming likuran makikita ang iba ng istraktura ng lugar, ito
ay tinakpan na lamang ng trapal na malaki sa kadahilanang matanda na din ang
lugar na ito.
- Cuartel De España
Dito sa Cuartel De España o Cuartel De Santa Lucia nilitis at
hinatulan ng kamatayan si Dr. Jose Rizal.
Ito ay isa din sa mahirap mahanap buti na lamang ang kaibigan ko ay magaling magtanong tanong nga lang nauna naman siya samin kaya hinanap din namin siya buti na lamang at sinundo niya kame.
At ito na lamang ang natirang istraktura na natira noong unang panahon.